Ang PESFA ay program ng TESDA na nagbibigay tulong pinansyal para sa mga marginalized ngunit karapat-dapat na mga estudyante ng tech-voc education at training.
Kung ikaw ay…
Labinlimang (15) taong gulang pataas sa simula ng training program
Nakatapos ng 10-yr basic education
ALS Graduate
Hindi lagpas 300k ang taunang kita ng pamilya
Filipino citizen
Pwedeng mag-avail ng…
Libreng training at assessment
Student allowance
Book allowance
Special Training for Employment Program
Ang STEP ay programa ng TESDA para sa mga mamamayan na nagnanais magkaroon ng skills na magagamit sa pagnenegosyo o sariling hanapbuhay.
Pumili sa mahigit 70 qualifications o training sa ilalim ng STEP.
Kung ikaw ay…
Hindi bababa sa labinlimang (15) taong gulang sa simula ng training program
Filipino citizen
Pwedeng mag-avail ng…
Libreng training at assessment
Libreng entrepreneurship training
Libreng starter tool kits
Training for Work Scholarship Program
Ang TWSP ay sagot sa isyu ng “job skills missmatch.” Layunin nito na matiyak na ang “labor force requirement” ng industriya ay mapupunan.
Pumili sa mahigit 230 qualifications o training sa ilalim ng 18 sectors.
Kung ikaw ay…
Hindi bababa sa labingwalong (18) taong gulang sa pagtatapos ng training program